Mananabong itinumba sa tindahan

CAVITE – Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang mananabong na lalaki sa Arcontiva Coliseum ng hindi kilalang lalaki sa tindahang malapit sa kanilang bahay, sa Barangay Salitran 3 sa bayan ng Dasmariñas, Cavite, kahapon ng madaling-araw. Kinilala ng pulisya ang biktimang si Joel Tagalog ng Block F2 Lot 5, Barangay San Isidro Labrador 2 ng bayang nabanggit. Ayon kay PO3 Valero Bueno, namataan ang bangkay ng biktima dakong alas-3:30 ng madaling-araw. Posibleng inabangan ang biktima mula sa nasabing sabungan bago isinagawa ang krimen. (Cristina Timbang)

Show comments