Gobernador ng Lanao suspendido ng 6-buwan
November 1, 2005 | 12:00am
Makaraan ang ilang buwang pagrebisa sa kasong katiwaliang isinampa laban sa gobernador ng Lanao del Sur ay pormal nang ibinaba ng tanggapan ng Ombudsman ang parusang 6-buwang suspension habang dinidinig ang kaso.
Sa 11-pahinang desisyon na nilagdaan nina Emilio Gonzalez III at Deputy Ombudsman for Luzon Victor C. Fernandez na may petsang Oktubre 7, inatasan si DILG Sec. Angelo Reyes na agarang ipatupad ang suspension laban kay Lanao del Sur Bashier "Mustaqbal" Dimalaang Manalao ng 180-araw kung saan pansamantalang papalitan ng kanyang bise-gobernador na si Bae Monera D. Macabangon.
Ang suspension ng Ombudsman ay kaugnay sa paglabag ni Gov. Manalao sa Sec. 49 ng PD 807 ng Civil Service Laws kung saan inilgay nito ang bayaw bilang chief of staff at kapatid bilang OIC ng Peoples Park and Library na maliwanag na kasong Grave Abuse of Authority, Grave Misconduct at Dishonesty.
Kabilang din sa kasong isinampa laban kay Manalo ay ang pagbili ng 3 sasakyan mula sa Cebu sa pangalan ng Provincial Government ng Lanao na ibinigay naman sa pribadong institusyon at hindi idinaan sa Sangguniang Panlalawigan at public bidding.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest