Pulis namukpok ng baril, sibak
October 31, 2005 | 12:00am
TUGUEGARAO CITY, Cagayan Isang bagitong pulis ang sinibak matapos niyang mapatay ang isang 49-anyos na lalaki sa pamamagitan ng pagpukpok sa ulo gamit ang kanyang baril ayon sa ulat ng pulisya kahapon.
Nahaharap ngayon sa kasong homicide si P01 Renato Cabildo, kasapi ng Buguey Police Office sa lalawigang ito matapos niyang mapatay sa pamamagitan ng pagpalo ng baril sa ulo si Artemio Natividad, 49, residente ng Brgy. Catabayungan, Cabagan, Isabela.
Ayon sa imbestigasyon, naganap ang insidente noong Biyernes ng umaga matapos magkaroon ng mainit na pagtatalo ang dalawa kung saan dito binunot ng pulis ang kanyang baril at ipinukpok sa ulo ng biktima.
Matapos makita ng bagitong pulis na bumagsak ang kanyang naka-away ay agad din nitong isinugod sa Peoples Emergency Hospital na nakabase rito subalit hindi na nito nalabanan ang kalawit ni kamatayan.
Sinabi ni PSr./Supt. James Melad, Cagayan Police Provincial Director, agad niyang sinibak si Cabildo at isinailalim sa kustodya ng Police Provincial Office habang iniimbestigahan ang kanyang kaso. (Victor Martin)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest