^

Probinsiya

Lolo sinalpok ng bus, dedo

-
CAVITE – Sinalpok ng bus at napatay ang isang 79-anyos na lolo habang tumatawid ang biktima sa kahabaan ng Governor’s Drive na sakop ng Barangay Maduya sa bayan ng Carmona, Cavite kahapon ng umaga. Kinilala ng pulisya ang biktimang nasawi na si Eduardo Diaz ng Origano Street sa nabanggit na barangay. Arestado naman ang drayber ng shuttle bus (RBM 831) na si Felipe Comedia, 43, ng Barangay Bulihan sa Silang, Cavite. Posibleng masyadong mabilis magpatakbo ng sasakyan ang drayber at hindi na nakuhang maiwasan ang tumatawid na biktima kaya naganap ang insidente, ayon sa pulisya. (Cristina Timbang)
Hepe ng barangay tanod, nilikida
CAMP SIMEO OLA, Legazpi City – Isang 33-anyos na hepe ng barangay tanod na napaulat na nawawala ng ilang araw ang natagpuang patay na tadtad ng saksak sa bahagi ng Sitio Tomecar, Barangay Bicalin sa bayan ng Presentacion, Camarines Sur kahapon ng umaga. Nakagapos ang dalawang kamay at paa nang madiskubre sa mababaw na hukay ang biktimang si Dante Rosales ng nabanggit na barangay. May teorya ang pulisya na may nasagasaang grupo ang biktima, kaya dinukot muna bago pinaslang. (Ed Casulla)

vuukle comment

BARANGAY

BARANGAY BICALIN

BARANGAY BULIHAN

BARANGAY MADUYA

CAMARINES SUR

CAVITE

CRISTINA TIMBANG

DANTE ROSALES

ED CASULLA

EDUARDO DIAZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with