^

Probinsiya

Presidente ng unyon, itinumba

-
CAMP CRAME — Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang presidente ng unyon ng Hacienda Luisita ng nag-iisang hindi kilalang lalaki habang nakikipag-inuman ng alak ang biktima sa kaniyang mga kaibigan sa loob ng compound ng kanilang tahanan sa Tarlac City, kamakalawa ng gabi.

Sa ulat ni Police Regional Office (PRO) 3 Director Chief Supt. Alejandro Lapinid, kinilala ang biktima na si Ricardo "Ric" Ramos, 45, presidente ng Central Azucarera de Tarlac Labor Union (CATLU).

Lumitaw sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya na si Ramos ay kasalukuyang nakikipag-inuman ng alak sa kaniyang mga kaibigan sa loob ng compound ng kanilang tahanan sa Mapalacsiao Village , Tarlac City, dakong alas-10 ng gabi.

Bigla na lamang umanong sumulpot sa likurang bahagi ng nasabing compound ang gunman na armado ng M 14 rifle at nilapitan ang biktima saka pinagbabaril.

Napag-alamang bago ang pamamaslang, ay ipinagdiwang pa ng grupo ni Ramos ang desisyon ng pangasiwaan ng Hacienda Luisita na ibigay sa mga manggagawa ang kanilang mga "back wages" matapos ang 11-buwang pakikipaglaban.

Nabatid na nakatanggap ng P8 milyon "back wages" nitong nakalipas na Martes ang mga manggagawa ng CATLU.

Kaugnay nito, bumuo na ng Task Force Ramos si PNP Chief Director General Arturo Lomibao para imbestigahan ang pamamaslang kay Ramos.

Ayon naman kay AFP-NOLCOM Command Spokesman Lt. Col. Preme Monta na walang basehan ang akusasyon ni Bayan Muna Partylist Representave Satur Ocampo na ang militar ang may kagagawan sa pagpatay sa biktima.

"We deny that. It is not the policy of Nolcom to kill people like Ramos," ani Monta na nagsabi pang may mga grupong ibig lamang wasakin ang AFP upang muling pag-alabin ang tensiyon sa naturang sugar mill. (Joy Cantos)

vuukle comment

ALEJANDRO LAPINID

BAYAN MUNA PARTYLIST REPRESENTAVE SATUR OCAMPO

CENTRAL AZUCARERA

CHIEF DIRECTOR GENERAL ARTURO LOMIBAO

COMMAND SPOKESMAN LT

DIRECTOR CHIEF SUPT

HACIENDA LUISITA

RAMOS

TARLAC CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with