Maliksi, kinatigan ng CA

Pinaboran ng Court of Appeals (CA) ang kahilingan ni Cavite Governor Erineo "Ayong" Maliksi na manatili pa sa kanyang puwesto.

Sa 5-pahinang resolution ng CA 4th division, kinatigan nito ang apela ni Maliksi na huwag ipatupad ng office of the Ombudsman ang suspension order habang hindi pa nagpapalabas ng desisyon tungkol dito.

Naunang pinaboran ng Appellate Court si Maliksi sa pamamagitan ng pagpapalabas ng 60 days temporary restraining order (TRO) noong Agosto 25, 2005 at muli itong pinalawig ngayon.

"There is no compelling need for the status quo to be maintained in the meantime or pending a decision on the merit", nakasaad pa sa kautusan.

Bunsod nito kayat kailangan munang iresolba ng CA ang kaso kung kinakailangan o hindi ipatupad o magkaroon ng permanent injunction ang suspension order ni Deputy Ombudsman for Luzon Victor Fernandez.

Nauna rito, na naghain ng TRO band na P500 milyon si Maliksi sa ilalim ng section 4, Rule 58 1997 rules of civil procedure at siya ngayong gagamitin para sa injunction nila.

Magugunita na nag-ugat ang naturang kaso dahil sa paglabag ni Maliksi sa Republic Act 6713 o ng Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees partikular na ang kasong abuse of authority at misconduct.

Ang naturang kaso ay inihain ni Vice Governor Johnvic Remulla dahil sa pagbili ni Maliksi ng 7,500 sako ng bigas ng wala namang public bidding noong Oktubre 5, 2004 na nagkakahalaga ng P7.5 milyon na ipamimigay sa mga constituent nito sa Cavite.

Pinabulaanan naman nito ni Maliksi at sinabing si Fernandez ang umabuso sa tungkulin dahil sa pinagbasehan lamang nito ang complaint affidavit ni Remulla at hindi man lamang hiningi ang kanyang panig. (Gemma Amargo Garcia)

Show comments