^

Probinsiya

1 dedo sa taga, 2 pa grabe

-
CAMP PANTALEON GARCIA, Cavite – Hindi na umabot pa ng buhay sa pagamutan ang isang mister habang nasa malubhang kalagayan naman ang dalawang pang kaibigan nito makaraang pagtatagain ng isang grupo ng mga kalalakihan kamakalawa ng gabi sa Brgy. Sta. Teresa, Alfonso, Cavite.

Ang nasawi ay nakilalang si Edgardo del Mundo, 39-anyos, may asawa habang kritikal naman sa pagamutan sina Marlon Hererra 33; at Manolito Mojica, 49, magsasaka at pawang mga residente ng Brgy. Sta Teresa ng bayang ito.

Mabilis namang nakatakas ang mga suspek na nakilalang sina Willie Ligaya alyas Payi; Raymundo Ligaya at Reynaldo Salazar, pawang mga nasa hustong gulang at nakatira din sa nasabing lugar.

Batay sa imbestigasyon ni PO3 Malimban, may hawak ng kaso dakong alas-11 ng gabi ng bigla na lamang sugurin ng mga suspek na pawang mga armado ng itak ang mga biktima na kanilang pinagtataga saka mabilis na nagsitakas.

Inaalam pa ng pulisya ang motibo ng krimen. (Cristina G. Timbang)

vuukle comment

BRGY

CAVITE

CRISTINA G

MANOLITO MOJICA

MARLON HERERRA

RAYMUNDO LIGAYA

REYNALDO SALAZAR

STA TERESA

WILLIE LIGAYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with