^

Probinsiya

P10-M ari-arian naabo

-
CAMP CRAME – Umaabot sa P10 milyong ari-arian ang nilamon ng apoy makaraang masunog ang ikaapat na palapag ng isang kolehiyo sa Sitio Malsac, Mabalacat, Pampanga kamakalawa ng gabi.

Naitala ang insidente dakong alas-7:10 ng gabi nang bigla magsiklab ang ikapat na palapag ng Dee Hwa Liong Foundation College (DHLFC) sa nasabing lugar.

Napag-alamang nag-umpisa ang sunog sa room 404 at mabilis na kumalat sa mga katabi nitong silid aralan ng nasabing kolehiyo.

Tumagal ang sunog ng isang oras matapos rumesponde ang mga elemento ng Bureau of Fire Protection ng Mabalacat sa tulong ng mga bumbero ng San Fernando City, Angeles City at Magalang.

Nabatid na may 45 silid aralan ang nilamon ng apoy at wala namang iniulat na nasawi at nasugatan sa insidente.

Sa salaysay sa mga imbestigador ng pulisya ni Roberto Dizon, close aide ni Anthony Dee, may-ari ng eskuwelahan, pinaniniwalaang ang sunog ay sanhi ng kagamitan sa electronic tulad ng electric fans, videodisk players na nakakabit sa Speech Laboratory ng kolehiyo na sumabog at siyang lumikha ng sunog.

Sa kabila nito ay sinisilip din ang iba pang anggulo sa naganap na sunog tulad ng posibleng faulty electrical wiring. (Joy Cantos)

ANGELES CITY

ANTHONY DEE

BUREAU OF FIRE PROTECTION

DEE HWA LIONG FOUNDATION COLLEGE

JOY CANTOS

MABALACAT

ROBERTO DIZON

SAN FERNANDO CITY

SITIO MALSAC

SPEECH LABORATORY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with