Pulis tinodas sa palengke
October 18, 2005 | 12:00am
CAMP CRAME Pinagsasaksak hanggang sa mapatay ang isang tauhan ng pulisya ng isang sibilyan sa loob ng pampublikong pamilihan na sakop ng Barangay Poblacion sa bayan ng Antipas, Cotabato, ayon sa ulat kahapon. Halos lumuwa ang bituka at idineklarang patay sa Arakan Valley District Hospital ang biktimang si PO3 Vicente Pido ng Arakan Municipal Police Station ng nabanggit na lalawigan. Naaresto naman ang suspek na si Arante Agting ng bayan ng Pres. Roxas ng nasabi ring probinsya. Napag-alamang nakatayo lamang ang biktima nang sugurin ng suspek at agad na inundayan ng sunud-sunod na saksak hanggang sa duguang bumulagta. May posibilidad na may matinding galit ang suspek sa biktima kaya isinagawa ang krimen. (Joy Cantos)
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest