Sako ng damolumutang sa dagat
October 16, 2005 | 12:00am
Cavite City Nasorpresa ang ilang mangingisda nang kanilang malambat ang isang sako ng marijuana habang nangingisda sa karagatang sakop ng Cavite City kamakalawa ng umaga.
Batay sa ulat na nakalap mula sa tanggapan ni P/Supt. Eduardo Ballatan, hepe ng Cavite City Component Police Station, umaga kamakalawa habang nangingisda ang isang grupo ng mangingisda nang mapuna ng mga ito ang palutang-lutang na isang sako.
Ayon sa mga mangingisda, na-curious sila sa laman ng sako kaya dali-dali nila itong hinila ng kanilang lambat ngunit laking gulat nila nang tumambad ang mga dahon ng marijuana na tinatayang umaabot sa 11 kilo ang 11 bricks na nakitang laman ng nasabing sako. (Lolit Yamsuan)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest