Lalaki nagpasagasa sa tren
October 14, 2005 | 12:00am
QUEZON May posibilidad na hindi na matagalan ang labis na kahirapan sa buhay, kaya nagdesisyon ang isang 37-anyos na lalaki na magpasagasa na lamang sa tren sa Barangay Lutucan sa bayan ng Sariaya, Quezon, kamakalawa ng gabi.
Nagkalasug-lasog ang katawan nang matagpuan ng kanyang mga kapitbahay may isang oras matapos na umalis ng kanilang bahay ang biktimang si Joseph Cajan, walang trabaho at naninirahan sa nabanggit na barangay.
Binanggit sa ulat na bandang alas-9 ng gabi ay senglot at umiiyak na umuwi ang biktima at ng tanungin ng kanyang ka-live-in ay nagsisigaw na hindi na niya kayang harapin ang kasalukuyang problemang kahirapan sa buhay.
Napag-alamang sinikap na payapain ang biktima ng kanyang ka-live-in, subalit lalo pa itong nagsisigaw at nagbantang susunugin ang kanilang bahay.
Ilang minuto ang nakalipas ay lumabas ng kanilang bahay ang biktima saka nagtungo sa may riles ng tren na sakop ng nabanggit na barangay.
Nabatid na lamang sa ilang ka-barangay ng ka-live-in ng biktima ang naganap na insidente. (Tony Sandoval)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest