12 kilo marijuana nasamsam
October 9, 2005 | 12:00am
LEGAZPI CITY May 12 kilong pinatuyong marijuana na galing pa sa La Trinidad Benguet ang nasamsam sa isang check point sa kahabaan ng Maharlika Highway sa Barangay Bonifacio, San Fernando Camarines Sur, kamakalawa ng gabi.
Nakilala ang mga suspek na may dala ng ipinagbabawal na dahon na sina Antonio Estrada 28, driver at residente ng Barangay Bariada, Legazpi City, Romy Llones 51, may-asawa, Tomas Guan 35, may asawa , Edwin Banania, 24 , may-asawa, Placido Gutierrez 42, may-asawa. Sila ay nasakote sa isang check point dakong alas 6:45 ng gabi habang ang mga ito ay sakay sa isang Fuso truck na may plate. No. WED-442 na nakarehistro sa pangalan ng isang Dominador Bunagan ng La Trinidad, Benguet. Ang naturang truck ay galing Benguet at patungo sa Legazpi City nang ito ay pahintuin sa isang check point. (Ed Casulla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended