Sa ulat na nakarating sa Central Operations Center sa PNP headquarters, umaabot sa halagang P20,000 cash at isang cellphone ang nakuha ng mga suspek sa Calimlim grocery na matatagpuan sa kanto ng Fire Tree St., Poblacion Mapandan, ng nasabing lalawigan. Nadiskubre lamang ang pagnanakaw nang bubuksan ng mga tindera nito ng groserya at nakitang wasak ang bubungan at kisame ng tindahan habang magulo ang loob nito. Natagpuan ng mga pulis na nagresponde sa lugar ang isang screw driver at isang hagdanan na gawa sa kawayan na ginamit sa pagnanakaw. (Angie dela Cruz)
Grocery ni Gen. Calimlim pinasok ng kawatan
CAMP CRAME Nalimas ng hindi pa kilalang mga suspek ang mga paninda, cash at cellphone sa isang grocery store na pagmamay-ari ni AFP retired Gen. Jose Calimlim kahapon sa Pangasinan.