agkaibigan binoga:1 patay, 1 kritikal
October 9, 2005 | 12:00am
CAMP SIMEON OLA, Legazpi City Isa ang nasawi at isa pa ang nasa kritikal na kalagayan matapos na pagbabarilin ng di-kilalang suspek habang nagme-merienda sa Sitio Gumang, Barangay Cota na Daco, Gubat, Sorsogon, kamakalawa ng hapon.
Hindi na umabot nang buhay sa Gubat District Hospital ang nasawing si Danilo Esteves alias Bombay, 37, may-asawa, at residente ng naturang lugar.
Samantala, ang sugatan ay kinilalang si Joy Guim, nasa hustong gulang at residente ng Barangay Panganiban ng naturang bayan.
Batay sa ulat ni P/Supt. Arnold Revilla, provincial director ng Sorsogon PNP, dakong alas-5:30 ng hapon habang ang dalawang biktima ay nasa loob ng bahay at kumakain ng merienda nang bigla na lamang pumasok ang isang lalaki na armado ng kal. 45 pistola at walang sabi-sabing pinagbabaril ang mga ito.
Matapos ang ginawang pamamaril ng suspek ay mabilis na lumabas ng bahay at sumakay sa isang motorsiklo na kung saan nag-aantabay ang isang kasamahan nito patunggo sa di-pa mabatid ng direksyon.
Hindi pa mabatid ng mga awtoridad kung ano ang motibo ng suspek upang pagbabarilin ang mga biktima.
Kasalukuyang nagsasagawa ng imbestigasyon at follow-up operation ang mga kagawad ng Sorsogon Provincial Police Office para sa agarang ikadarakip ng suspek. (Ed Casulla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 23, 2024 - 12:00am