^

Probinsiya

Biyuda tumanggi sa kasal ni-rape

-
CAMP SIMEON OLA, Legazpi City — Pinaniniwalaang tumanggi sa alok na kasal kaya hinalay na lamang ang isang 19-anyos na biyuda ng isang biyudo na masugid nitong manliligaw kamakalawa ng hapon sa Purok Rosas, Barangay Panique sa bayan ng Aroroy, Masbate.

Luhaang dumulog sa himpilan ng pulisya ang biktimang itinago sa pangalang Ellen ng Sitio Bagong Sirang, Barangay Panique ng naturang bayan.

Samantala, tugis naman ng pulisya ang suspek na si Juanillo Berredo.

Naitala ang krimen ganap na ala-una ng hapon matapos na magtungo ang suspek sa bahay ng biktima.

Nabatid na tumangging magpakasal ang biktima sa suspek dahil hindi pa nakakapagbabangluksa matapos na mamatay ang mister nito ilang buwan pa lamang ang nakalipas.

Pinaniniwalaang nagpantig ang tenga ng suspek hanggang sa pagsusuntukin ang biktima na naging sanhi para mawalan ng ulirat kaya naisagawa ang maitim na balak.

Nang mahimasmasan ang biktima na walang saplot at nananakit ang buong katawan nito dahil sa naganap na panghahalay.

Kaagad naman na nagtungo ang biyuda sa himpilan ng pulisya upang ireklamo ang suspek. (Ed Casulla)

vuukle comment

AROROY

BARANGAY PANIQUE

ED CASULLA

JUANILLO BERREDO

KAAGAD

LEGAZPI CITY

LUHAANG

PINANINIWALAANG

PUROK ROSAS

SITIO BAGONG SIRANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with