^

Probinsiya

Mag-lolo todas sa araro ng dyip

-
Nueva Vizcaya — Sa hindi inaasahang pagkakataon ay nakalawit ni kamatayan ang mag-lolo matapos na araruhin ng pampasaherong dyip sa kahabaan ng highway na sakop ng Barangay Quirino sa bayan ng Bagabag, Nueva Vizcaya, ayon sa ulat ng pulisya.

Ayon kay SPO4 Ruben Ramiscal ng PNP Bagabag, nakilala ang mag-lolong nasawi na sina Crisanto Aggalut, 77 at apo nitong si Grace Galanza, 8, kapwa residente ng Barangay Tuao North, Bagabag sa lalawigang ito.

Bandang alas-7:30 ng umaga habang nag-aabang ng masasakyan ang mag-lolo sa gilid ng highway sa Barangay Quirino matapos nilang magbenta ng 1 kabang palay nang mangyari ang aksidente.

Lumalabas pa sa pagsisiyasat ng pulisya na nag-overtake ang pampasaherong jeep na may plakang AVG 532 na minamaneho ni William Bunnol, 50, ng Poblacion East, Lagawe Ifugao sa sinusundan nitong traktora at dito nahagip ang dalawa na nasa kabilang linya ng kalsada.

Agad na nasawi ang biktimang si Grace sanhi ng tinamong sugat sa ulo habang mabilis naman na isinugod sa Veterans Regional Hospital ang lolo nito, subalit hindi na umabot ng buhay.

Agad namang sumuko ang drayber ng dyip sa himpilan ng pulisya upang panagutan ang naganap na insidente. (Victor Martin)

vuukle comment

BAGABAG

BARANGAY QUIRINO

BARANGAY TUAO NORTH

CRISANTO AGGALUT

GRACE GALANZA

LAGAWE IFUGAO

NUEVA VIZCAYA

POBLACION EAST

RUBEN RAMISCAL

VETERANS REGIONAL HOSPITAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with