2 kadete ng PMMA grabe sa hazing
October 4, 2005 | 12:00am
OLONGAPO CITY Muli na naman sumingaw ang panibagong insidente ng hazing sa loob ng kampus ng Philippine Merchant Marine Academy (PMMA) makaraang isugod sa ospital ang dalawang kadete dahil sa grabeng pinsala sa katawang dulot ng kalupitan ng kanilang higher classman noong Biyernes ng hapon. Kasalukuyang inoobserbahan ang kalagayan ng mga biktimang sina 4th-class midshipmen Glenn Plantinos, 18, ng Pututan, Iloilo at Arnel Duenas, 18, ng Batangas.
Napag-alamang magkasunod na dinibdiban at hinataw ng solidong bakal ang mga kamay ng dalawang kedete ng kanilang higher classman na nakilalang si 3rd-class midshipman Mariano.
Bago maganap ang hazing, sina Plantinos at Duenas ay nagsasagawa ng drill orientation sa labas ng kanilang quarters nang biglang tawagin ni Mariano at isagawa ang pagmamalupit.
Natigil lamang ang pagmamalupit sa kanila ni Mariano ng hindi sinasadyang maaktuhan ng isang Tactical Officer 1st-class Engineer Jeslani ang buong pangyayari at dagliang pinatigil ang naturang hazing.
Si Mariano ay kasalukuyang isinasailalim sa isang masusing imbestigasyon ng kanyang mga higher classmen buhat sa Tactical officers division ng PMMA na maaari mapalayas sa nasabing akademya dahil sa ginawa nitong pagpapahirap at pagmamalupit sa dalawang kadete.
Sa impormasyong natanggap ng PSN ay nakatakdang palitan ang pangalang Philippine Merchant Marine Academy sa Philippine Navy Academy na kasalukuyan pang dinidinig ng mga opisyales mula sa ibat ibang sangay ng Armed Forces of the Philippines. (Jeff Tombado at Alex Galang)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest