Lolo nagbigti dahil sa sakit

CAMP PANTALEON GARCIA, CavitePatay na nang matagpuan ang isang 55-anyos na lolo matapos magbigti kamakalawa ng hapon sa Brgy. Mambog, Bacoor, Cavite.

Ang biktima ay kinilalang si Renato Galvez, at residente ng Block 7 Lot 30 Neptune Street, Perpetual 7, Barangay Mambog ng bayang ito.

Batay sa imbestigasyon ni PO2 Joan Camacho, may hawak ng kaso dakong alas- 4 ng hapon ng makita ni Rodolfo ang kanyang kapatid na nakabigti ang leeg at nakasabit sa kisame ng kanilang bahay.

Nabatid sa pulisya na may matagal ng sakit ang biktima na labis na nagpapahirap sa kanya at pinaniniwalaang siyang nagtulak dito para kitilin ang sariling buhay.

Hindi naman ibinunyag ng pamilya ang tunay na karamdaman ng biktima at wala ring nakitang foul play sa naganap na pagpapakamatay ng biktima. (Cristina G. Timbang)

Show comments