Dead-on-the-spot sa insidente ang biktimang kinilalang si Technical Sgt. Marcial Colot, 41-anyos, kasapi ng Intelligence Service Group (ISG) ng Phil. Army na nakabase sa Compostella Valley.
Ang biktima ay tinadtad ng mga tama ng bala ng mga rebelde na siya nitong dagliang ikinasawi.
Batay sa ulat, dakong alas -9 ng umaga ng maganap ang pamamaslang sa biktima sa bisinidad ng Purok 2, Poblacion Trento ng lalawigang nabanggit.
Nabatid na ang biktima ay kasalukuyang naglalakad sa nasabing lugar nang harangin at pagbabarilin ng tatlong rebelde na pawang armado ng malalakas na kalibre ng armas.
Matapos na masigurong patay na ang biktima ay mabilis na nagsitakas ang mga rebelde patungo sa direksiyon ng kabundukan.
Nagsasagawa na ng follow-up operations ang mga awtoridad sa kasong ito.