^

Probinsiya

Empleyada laglag sa extortion

-
Legazpi City Isang empleyada ng Sorsogon Provincial Health Office ang dinakma ng mga awtoridad matapos mahuli sa aktong tinatanggap nito ang "mark money" sa isinagawang entrapment operation sa loob ng Jollibee food chain sa Magsaysay St., Sorsogon City kahapon ng umaga.

Nakilala ang suspek na si Dolores Villanueva, 40, may-asawa at residente ng naturang lungsod.

Samantala ang biktima ay kinilalang sa Wilson Yau, nasa hustong gulang, may-asawa, isang negosyante at residente ng Bulan, Sorsogon

Batay sa ulat ng pulisya ang entrapment operation ay isinagawa dakong alas-11:30 ng umaga na pinamumunuan ni P/Supt. Eduardo Chavez ng Sorsogon PPO.

Nauna rito, humihingi umano ng P5,000 kay Yau ang suspek kaya kaagad naman na humingi ng tulong sa mga awtoridad at isagawa ang entrapment laban sa suspek.

Nabatid na sa loob ng Jollibee ang abutan ng pera kung kaya kaagad na nagsipuwesto ang mga awtoridad sa loob at ilang mga opisyal ng barangay upang saksihan ang isinasagawang operasyon.

Matapos na iabot ng biktima ang P5,000 na tig-P1,000 kaagad na dinakma ang suspek at hindi na ito nakapalag pa sa mga awtoridad.

Nakuha sa suspek ang isang cellphone, ang demand letter at ang markadong pera na tinanggap mula sa biktima.

Sa kasalukuyan masusing imbestigasyon ang isinasagawa ng mga awtoridad ukol sa naturang pangyayari at ang suspek ay pansamantalang nakalagak sa himpilan ng pulisya ng Sorsogon City Police at inihahanda na ang pagsasampa ng kaso laban dito. (Ed Casulla)

DOLORES VILLANUEVA

ED CASULLA

EDUARDO CHAVEZ

JOLLIBEE

LEGAZPI CITY

MAGSAYSAY ST.

SORSOGON

SORSOGON CITY

SORSOGON CITY POLICE

SORSOGON PROVINCIAL HEALTH OFFICE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with