^

Probinsiya

3 ‘bombers’ natimbog

-
Camp Crame Bumagsak na sa kamay ng pinagsanib na puwersa ng Regional Army Intelligence Unit at PNP-Special Operations Group ang tatlong lalaki na may mga kasong kriminal at hinihinalang responsable sa serye ng pambobomba sa Cotabato.

Sa isang sketchy report, ang mga suspek ay nakilalang sina Nasel Faisal alyas Narsodin, Maraledin Amander at Mike Adtugan, pawang residente ng Campo Muslim. MB Bagua, Cotabato City.

Ang tatlo ay naaresto ng tropa ng pamahalaan nitong nakalipas na Huwebes ng dakong alas-9:10 ng gabi sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni Judge Francisco Rabang III ng MTC Dos, Maguindanao dahil na rin sa kasong kriminal ng mga suspek.

Sinasabing nagkaroon pa ng tensyon sa insidente nang akmang tatakas ang mga suspek. Gayunman, nang makita ng mga ito na napapalibutan na sila ng awtoridad ay kusa na rin silang sumuko sa mga sundalo at pulis kasama ang mga barangay leaders doon.

Ayon sa nakalap na intelligence information ng militar at pulisya, ang mga suspek ang nasa likod umano ng iba’t ibang cri-minal offenses at itinuturong responsable sa pambobomba noong Setyembre 26 sa Purok Magabel, Lugay-Lugay, Bagua 1 Cotabato City na naging sanhi ng pagkakapaslang sa isang Alsa Esmael. (Angie dela Cruz)

ALSA ESMAEL

BAGUA

CAMP CRAME

CAMPO MUSLIM

COTABATO CITY

JUDGE FRANCISCO RABANG

MARALEDIN AMANDER

MIKE ADTUGAN

NASEL FAISAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with