Amok na dating mental patient, tigok sa parak
October 2, 2005 | 12:00am
Camp Crame Namatay noon din ang isang dating mental patient nang mapilitang barilin ng isang pulis makaraang magwala ang una at walang habas na iwinawasiwas ang dalang samurai sa Brgy. Bueniag, Gerona, Tarlac.
Nakilala ang biktima na si Levy Bernans na nagtamo ng tama ng baril sa ibaba ng bewang nito sanhi ng kanyang agarang kamatayan.
Sa report na dumating sa Camp Crame, rumesponde ang mga elemento ng Gerona Police nang ireklamo ang panggugulo at pagwawala ng biktima.
Hindi rin nakaligtas ang mga nagrespondeng pulis matapos na sila ay habulan ng samurai. Sinikap pa ng mga pulis na umanoy mapakalma ang biktima subalit nakorner nito si SPO1 Jose Gamit na aktong tatagpasin ang ulo nito.
Dahil dito, hindi na nagdalawang-isip ang iba pang kagawad ng pulisya na paputukan ang biktima.
Matapos ang insidente, agad namang isinugod ang biktima sa Sacred Heart Hospital subalit patay na ito bago pa man makarating sa nasabing pagamutan. (Angie dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest