^

Probinsiya

2 opisyal ng ASG, itinumba

-
CAMP CRAME – Dalawang opisyal ng pulisya kabilang ang isang police colonel ang kumpirmadong nasawi makaraang pagbabarilin nang nag-amok nilang sinibak na tauhan sa loob ng barracks ng Aviation Security Group sa Lumba Airport, Cagayan de Oro City, kahapon ng umaga.

Sa inisyal na ulat ni P/Supt. Honorio Cervantes, hepe ng pulisya sa Cagayan de Oro City, ang insidente ay naganap dakong alas- 9 ng umaga.

Kinilala ang mga napaslang na biktimang sina P/Supt. Lorenzo Vicente, hepe ng Aviation Security Group sa Lumba Airport at ang deputy nito na si Major Hadji Ali na kapwa duguang bumulagta matapos na bistayin ng bala ng baril na 9mm.

Samantala, binabantayan naman sa ospital ang suspek na si PO1 Cenon "Bunso" Madrial Jr. na pinaniniwalaang nagalit at sugatan matapos na mabaril ng napaslang na opisyal.

Napag-alamang bago maganap ang krimen ay nakipagtalo pa ang suspek sa dalawang opisyal na sina Vicente at Ali.

Nabatid na bigla na lamang pinagbabaril ng suspek ang dalawa nitong opisyal na duguang bumulagta sa insidente.

Ayon kay Cervantes, nag-ugat ang pag-aamok ng suspek matapos na sibakin ito sa puwesto nang ipalipat ng kaniyang mga superior sa Butuan City Airport.

Dahil sa ginawang reshuffle sa suspek ay iprinotesta nito at sobrang ikinasama ng loob laban sa dalawang nabanggit na opisyal hanggang sa maganap ang komprontasyon at mauwi sa pamamaslang. (Joy Cantos)

ALI

AVIATION SECURITY GROUP

BUTUAN CITY AIRPORT

HONORIO CERVANTES

JOY CANTOS

LORENZO VICENTE

LUMBA AIRPORT

MADRIAL JR.

MAJOR HADJI ALI

ORO CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with