^

Probinsiya

Dance party binomba: 3 patay, 12 sugatan

-
ZAMBOANGA CITY — Nauwi sa isang malagim na trahedya ang isang masayang dance party matapos na hagisan at pasabugan ng granada ng isang retiradong sundalo sanhi ng pagkasawi ng tatlong katao at pagkasugat ng 12 pang katao kamakalawa ng gabi sa Pigcawayan, North Cotabato.

Kinilala ng pulisya ang mga nasawi na sina, Dionel Setida, 14, Leo Ugminales,13 at Jessie Vilanis 40, pawang nakatira sa nasabing lugar.

Anim sa 12 nasugatan ang nakilalang sina Jhon Arvin Susi, Ryan Nitafan, Nicanor Baguio, Jeson Ballos, Ervin Mark Susi at Marvin Abayon.

Agad namang naaresto ang suspek na si ret. Army M/Sgt. Leo Saiduque, dating miyembro ng 39th Infantry Battalion. Siya ay nakaditine sa Pigcawayan Police Station at sumasailalim sa imbestigasyon bagaman itinanggi nito na siya ang resposable sa paghagis ng bomba.

Ayon kay Maj. Gen. Agustin Dema-ala, commander ng 6th Army Division na nakabase sa Central Mindanao, bandang alas-11 ng gabi nang maganap ang pagsabog sa Brgy. Kimarayag.

Sinabi ni Dema-ala na kanilang tinitingnan ang motibo na posibleng alitan sa pagitan ni Sayduque at isang grupo ng mga kabataan na dumalo sa nasabing kasiyahan.

Napag-alaman ng awtoridad na nasa impluwensya ng alak ang suspek at nakipagtalo sa isang grupo ng mga kabataan sa loob ng dance hall bago naganap ang nasabing insidente. (Jhon Unson, Roel D. PareÑO At Angie Dela Cruz)

vuukle comment

AGUSTIN DEMA

ARMY DIVISION

ARMY M

CENTRAL MINDANAO

DIONEL SETIDA

ERVIN MARK SUSI

INFANTRY BATTALION

JESON BALLOS

JESSIE VILANIS

JHON ARVIN SUSI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with