^

Probinsiya

P.5-M pampasabog nasamsam sa trader

-
CAMP CRAME – Naaresto ng pinagsanib na elemento ng Phil. Navy at National Bureau of Investigation (NBI) ang isang negosyante makaraang masamsaman ng P.5-milyong eksplosibo sa bayan ng Calasiao, Pangasinan kamakalawa.

Kinilala ni Phil. Navy Spokesman Captain Geronimo Malabanan, ang nasakoteng suspek na si Rolly Mapano.

Nabatid na dakong alas-11:30 ng umaga nitong Huwebes nang salakayin ng mga awtoridad ang Agricultural Supplies Store na pag-aari ni Mapano sa bayan ng Calasiao.

Nasamsam ang 335 sako ng ammonium nitrate, tatlong kilong detonating cord at 10 kilong blasting caps na nagkakahalaga ng P508,000,00.

Ang nakumpiskang pampasabog ay nasa kustodya ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) sa Dagupan City para sa kaukulang disposisyon.

Kasalukuyan namang sumasailalim sa masusing tactical interrogation ang suspek at bineberipika kung may kaugnayan sa ilang grupo ng sindikato na naghahasik ng karahasan sa nabanggit na bayan.

Magugunita na inalerto ng mga opisyal ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno ang kanilang security forces matapos na makatanggap ng intelligence reports na sampung suicide bombers galing Indonesia ang nasa bansa at nagbabalak maghasik ng terorismo tulad ng pambobomba. (Joy Cantos)

AGRICULTURAL SUPPLIES STORE

BUREAU OF FISHERIES AND AQUATIC RESOURCES

CALASIAO

DAGUPAN CITY

HUWEBES

JOY CANTOS

KASALUKUYAN

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

NAVY SPOKESMAN CAPTAIN GERONIMO MALABANAN

ROLLY MAPANO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with