Kabilang sa nadakip na suspek ay sina Dindo Arcero, 30, ng Barangay Malingin, Bogo Cebu; Isagani "Tagalog" Chico, 31, ng Santa Fe, Cebu City at Felix Albores, 24, ng Barangay Pakna-an, Mandaue City.
Sa ulat na nakarating kay P/Chief Supt. Victor Boco Jr., hepe ng pulisya sa Kabikulan, ang mga suspek ay nasakote dakong alas-5:00 ng umaga matapos na salakayin ang safehouse ng mga ito sa nabanggit na barangay.
Napag-alamang may warrant of arrest na ipinalabas si Judge Antonio Maregumen ng Bogo Regional Trial Court, Branch 61 sa Dikit, Cebu sa kasong robbery in band na may c.c. no. B 0262 at kaukulang piyansang P. 2 milyon para sa pansamantalang kalayaan ng mga suspek.
Base sa rekord ng pulisya, ang mga suspek ay isinasangkot sa kasong panloloob sa Land Bank sa bayan ng Bogo, Cebu noong Agusto 2, 2005 na umabot sa P 9.4 milyong cash ang natangay.
Nakumpiska sa mga suspek ang isang baril, ilang gamit sa kanilang modus operandi at mga mapa na pinaniniwalaang puntiryang pagnakawang establisamento. (Ed Casulla)