^

Probinsiya

3 suspek sa P9.4-M bank heist, timbog

-
KAMPO SIMEON OLA, Legazpi City — Tatlong kalalakihan na pinaniniwalaang suspek sa P9.4 milyong bank heist sa Cebu noong Agosto 2005, ang nasakote ng mga tauhan ng Intelligence ng PPO-Cebu, CIDG, RIO5, Masbate PPO at Cawayan PNP sa isinagawang operasyon sa bahagi ng Barangay Cabungahan sa bayan ng Cawayan, Masbate kahapon ng umaga.

Kabilang sa nadakip na suspek ay sina Dindo Arcero, 30, ng Barangay Malingin, Bogo Cebu; Isagani "Tagalog" Chico, 31, ng Santa Fe, Cebu City at Felix Albores, 24, ng Barangay Pakna-an, Mandaue City.

Sa ulat na nakarating kay P/Chief Supt. Victor Boco Jr., hepe ng pulisya sa Kabikulan, ang mga suspek ay nasakote dakong alas-5:00 ng umaga matapos na salakayin ang safehouse ng mga ito sa nabanggit na barangay.

Napag-alamang may warrant of arrest na ipinalabas si Judge Antonio Maregumen ng Bogo Regional Trial Court, Branch 61 sa Dikit, Cebu sa kasong robbery in band na may c.c. no. B — 0262 at kaukulang piyansang P. 2 milyon para sa pansamantalang kalayaan ng mga suspek.

Base sa rekord ng pulisya, ang mga suspek ay isinasangkot sa kasong panloloob sa Land Bank sa bayan ng Bogo, Cebu noong Agusto 2, 2005 na umabot sa P 9.4 milyong cash ang natangay.

Nakumpiska sa mga suspek ang isang baril, ilang gamit sa kanilang modus operandi at mga mapa na pinaniniwalaang puntiryang pagnakawang establisamento. (Ed Casulla)

BARANGAY CABUNGAHAN

BARANGAY MALINGIN

BARANGAY PAKNA

BOGO CEBU

BOGO REGIONAL TRIAL COURT

CAWAYAN

CEBU

CEBU CITY

CHIEF SUPT

DINDO ARCERO

ED CASULLA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with