^

Probinsiya

P80-M ari-arian naabo

-
QUEZON PROVINCE – Tinatayang aabot sa P80 milyong ari-arian ang naabo sa naganap na sunog sa dalawang bayan sa lalawigang ito kabilang rito ang kalahating ektaryang palengke, kamakalawa.

Sa ulat ng Quezon Provincial Fire Marshall, ang unang sunog ay naganap dakong alas-3:30 ng madaling-araw sa palengke ng Lopez, Quezon.

Aabot sa P70 milyong mga ari-arian ang nasunog sa Lopez Public Market at iniulat na nagsimula ang apoy sa RTW at dry goods section.

Dakong alas-6:30 na ng umaga nang maapula ang sunog ng mga elemento ng Bureau of Fire Protection na nagmula sa mga kalapit bayan ng Lopez, Calauag, Gumaca, Atimonan at Guinyangan.

Hanggang sa kasalukuyan ay patuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon kung saan nagmula ang sunog habang nagpadala na ng tulong si Mayor Felix Salumbides; Congressman Erin Tañada, Raffy Nantes at Danny Suarez sa mga naapektuhang maninindahan.

Naabo naman ang tinatayang P10 milyong mga ari-arian ng masunog ang bodega ng Marktown Lumber and Hardware sa Lucena City dakong alas-4 ng hapon.

Inaalam pa ang pinagmulan ng naturang sunog. (Tony Sandoval)

vuukle comment

BUREAU OF FIRE PROTECTION

CONGRESSMAN ERIN TA

DANNY SUAREZ

LOPEZ

LOPEZ PUBLIC MARKET

LUCENA CITY

MARKTOWN LUMBER AND HARDWARE

MAYOR FELIX SALUMBIDES

QUEZON PROVINCIAL FIRE MARSHALL

RAFFY NANTES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with