Kinilala ni BI Commissioner Alipio Fernandez ang suspek na Briton na si Keith Redfern na unang naaresto noong nakaraang linggo sa isang resort sa Boracay.
Ang pagkaaresto kay Redfern ay bunsod nang isinampang reklamo ng kanyang Pinay na asawa na si Sharon Mangguera Redfern dahil sa panununog nito ng kanilang gamit at bahay noong Abril 27, 2005.
Hindi rin naging mabuting asawa si Redfern matapos na abandonahin nito si Sharon at ang kanilang anak kung saan hindi rin ito nagbigay ng anumang suportang pinansiyal.
Malaki din ang naging galit ni Redfern kay Sharon matapos na kanselahin ng BI ang permanent visa nito dahil na rin sa kahilingan ng huli.
Bunga nitoy natunton ng BI-Intelligence Unit si Redfern at nadiskubre na isa ito sa mga suspek na pumatay sa tatlong Europeans at isang Pinoy.
Ang mga biktima umano ay pinagsasaksak hangang sa mamatay noong Mayo 2, 2004 sa Faustenhausers Villa sa La Doce Vita, Boracay.
Si Redfern na naitala sa watchlist ng BI ang isa sa mga umupa sa nasabing Pinoy upang patayin ang mga biktima, ayon pa sa ulat. (Grace Dela Cruz)