Ambush: Guro bulagta

LEGAZPI CITY – Tinambangan at napatay ang isang 59-anyos na guro ng hindi kilalang lalaki habang ang biktima ay naglalakad sa bahagi ng Barangay San Agustin sa bayan ng Libon, Albay kahapon ng umaga. Ayon sa ulat ng pulisya, ganap na alas-5:30 ng umaga nang lapitan at pagbabarilin ang biktima habang naglalakad patungo sa pinapasukang elementary school sa nabanggit na barangay.

Wala pang malinaw na motibo na nasisilip ang pulisya sa pagkakapaslang sa biktimang si Amadeo Malagueno ng Velasco Street, Zone 1 ng nasabing bayan. (Ed Casulla)

Show comments