Barangay kap, 1 pa dedo sa ambush

GAMU, Isabela – Isa na namang barangay chairman ang binawian ng buhay kabilang na ang isa pang sibilyan matapos pagbabarilin ng mga hindi pa nakikilalang armadong kalalakihan kamakalawa ng tanghali (Sept. 11) sa bayang nabanggit. Ayon kay P/Supt. Albertito Garcia ng Camp Adduro, Tuguegarao City, nakilala ang mga biktimang sina Barangay Chairman Jaime Baliuag, 45, at kasamahan nitong si Felimon Roque, 39, kapwa residente ng Barangay Dammao, Gamu, Isabela. Sa ulat ni P/Sr. Insp.

Andres Bali Jr. hepe ng Gamu police station kay P/Sr. Supt. Percival Barba, police provincial director ng Isabela, sakay ng motorisklo (HU-3371) nang tambangan ng mga aramdong kalalakihan sa kahabaan ng highway na sakop ng Barangay Buenavista sa bayang nabanggit. (Ulat ni Victor Martin)

Show comments