Paglilinaw sa 5 natodas sa sakuna
September 12, 2005 | 12:00am
Nililinaw po ng pahayang ito ang napaulat na pagkamatay ng 5 katao dahilan sa diumanoy inaantok ang driver ng Executive carrier bus ng maganap ang sakuna sa Camalig, Albay noong nakaraang buwan.
Base sa police blotter na nakuha ni Mr. Zaldy Javellana, General Operations Manager ng Executive Carriers and Services Inc mula sa Camalig Police na nilagdaan ng hepe nito na si Sr. Insp. Rogelio Beraquit, lumilitaw dito na hindi inaantok ang driver kundi iniwasan lamang ang isang kulay pulang nag-overtake na sasakyan na nagbunsod sa malagim na trahedya.
Base sa police record, noong Agosto 15 habang bumabagtas ang Executive Carrier bus na may plakang PYR-222 na minamaneho ni Joel Avila nang mag-overtake ang isang kulay pulang behikulo na tinangka nitong iwasan kaya sumalpok sa kasalubong namang pampasaherong jeepney na may plaka namang EVB -901 na minamaneho ni Michael Diaz sa highway ng Brgy. Libod, Camalig, Albay na ikinasawi at ikinasugat ng mga biktima. (Ed Casulla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended