127 kadete ng PNPA nalason sa beefsteak
September 12, 2005 | 12:00am
Aabot sa 127 kadete ng Philippine National Police Academy (PNPA) na nakabase sa Camp Gen. Mariano Castañeda, Silang, Cavite ang isinugod sa pagamutan matapos malason sa iniulam na beefsteak sa kanilang hapunan, ayon sa ulat kahapon.
Sa isang phone interview, sinabi ni PNPA Director Chief Supt. German Doria, nabatid na dakong alas-10:30 ng gabi nitong Biyernes ng mag-umpisang makaranas ng pananakit ng tiyan, pagtatae, pagsusuka ang 93 kadete na mabilis na isinugod sa pagamutan.
Bandang alas-9 naman ng umaga nitong Sabado ng magsipagtae na rin, magsuka, mahilo at dumaing ng pananakit ng tiyan ang may 34 pang kadete ng PNPA.
Nabatid kay Doria na ang mga biktima ay mula sa 1st Battalion ng PNPA na sumasailalim sa pagsasanay para maging isang disiplinadong pulis pagdating ng araw.
Base pa sa report, maliban sa kinaing beefsteak ay kumain rin ang mga kadete ng labanos con atay.
Sinabi ni Doria na sa kabuuang 127 naapektuhang kadete ay 20 sa mga ito ang isinugod sa infirmary ng Academy para mabigyan ng rehydration matapos na dumanas ng combulsion habang karamihan naman sa mga biktima ay nasa maayos ng kondisyon.
Kaugnay nito, ayon pa sa opisyal ay isinailalim na sa pagsusuri ang sample ng kinaing ulam ng mga kadete para mabatid kung ano ang nakalason sa mga ito.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest