^

Probinsiya

Motorsiklo bumangga sa poste: 1 patay, 1 kritikal

-
CAVITE – Basag ang bungo sanhi ng agarang pagkasawi ng isang binata habang nasa malubhang kalagayan ang kasama nito makaraang bumangga sa isang konkretong poste ng Meralco ang kanilang sinasakyang motorsiklo kahapon ng madaling-araw sa Barangay Ligas I, Bacoor.

Dead-on-arrival sa St. Dominic Hospital ang biktima na si Reynold Ramirez, 20, ng No. 29 Tabing Ilog, Barangay Aniban 2 habang agaw-buhay sa Las Piñas District Hospital si Frederick Cornel 19 ng No. 243 Tramo, Barangay Zapote 4, kapwa ng bayang ito.

Batay sa imbestigasyon ni PO1 Malvin Ramos, may hawak ng kaso, dakong alas-3:55 ng madaling-araw habang minamaneho ni Ramirez ang isang motorsiklo na may plakang WJ-1688 at angkas si Cornel nang mawalan ng kontrol ang sasakyan at sumalpok ang mga ito sa isang poste at tumalsik ng ilang metro. (Ulat ni Cristina Go-Timbang)

vuukle comment

BARANGAY ANIBAN

BARANGAY LIGAS I

BARANGAY ZAPOTE

CRISTINA GO-TIMBANG

DISTRICT HOSPITAL

FREDERICK CORNEL

LAS PI

MALVIN RAMOS

REYNOLD RAMIREZ

ST. DOMINIC HOSPITAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with