Bitay sa 2 akusado ng masaker, kinatigan ng CA
September 9, 2005 | 12:00am
BULACAN Kinatigan ng Court of Appeals (CA) ang parusang bitay na unang iginawad ng mababang hukuman sa Malolos City laban sa dalawang akusado na napatunayang pumatay sa 3-katao sa bayan ng Meycauayan, Bulacan noong Marso 1995.
Batay sa 30-pahinang desisyon na inilabas ng Court of Appeals-4th division na nilagdaan ng siyam na hukom, pinagtibay ang naunang hatol na kamatayan laban sa mga akusadong sina Christopher Flores at Ronaldo Ho.
Pinawalang sala naman sina Mitchelle Pilapil at John Paul Palanca na nagsilbing lookout nina Flores at Ho, dahil sa walang sapat na ebidensya na sangkot sa naganap na krimen.
Base sa record ng korte, nagawang pagsasaksakin hanggang sa mapatay ng dalawang akusado ang mga biktimang sina Maria Salud Asuncion, Bencion Koronel at Anthony Lazarito sa bahagi ng Ciudad Grande Subdivision sa Barangay Lawa ng nabanggit na bayan noong Marso 1, 1995.
Sa ginawang follow-up operation ng mga tauhan ng pulisya ay agad naman nadakip ang mga suspek at pormal na kinasuhan.
Ibinase ang hatol na bitay laban sa mga akusado sa isinumiteng ebidensya ng pulisya kay Judge Oscar P. Barrientos ng Malolos Regional Trial Court Branch 82, kaya pinatawan naman ng kamatayan noong Marso 19,1999. (Ulat ni Efren Alcantara)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended