130 sasakyan nai-export ng Subic Bay Freeport
September 9, 2005 | 12:00am
SUBIC BAY FREEPORT Tinatayang aabot sa 130-units ng reconditioned second hand vehicle ang matagumpay na nai-export ng bansa patungong Dubai at South Africa, kamakalawa.
Sa pamamagitan ng mga kaakibat na kumpanyang Apple International Co. Ltd. ng Mie, Japan at Azumaya Tohin Seisakusho, Ltd. ng Nagoya, Japan at ang Subic Bay Motors Corp. ay nagkaroon ng malawak na international market base ang bansa makaraan ang matagumpay na eksportasyon ng multi-milyong halaga ng mga sasakyan.
Sinabi ni SBMC Gen. Manager Ben Perez, ang kanilang kumpanya na kaisa-isang exporter ng mga used sports utilities vehicles (SUVs) sa loob ng Subic Bay Freeport Zone (SBFZ) ay maipagmamalaki dahil sa naging bahagi ng progreso ng bagong "Filipino ingenuity" sa larangan ng motor vehicle reconditioning industry sa bansa na hinahangaan saan man lugar sa mundo.
Subalit, iginiit ni Perez na dapat anyang bigyang rekognasyon ng pamahalaan ang kanilang trading and remanufacturing business sa second hand vehicles sa halip ay pinigilan silang makapag-import ng mga sasakyan na nauwi sa biglaang pagsasara ng kanilang negosyo at nalugi ng milyong piso partikular na ang pagkawala ng trabaho ng10, 000 manggagawa.
Sa may 130-units ng mga sasakyan na karamihan ay pawang mga Pajero, 50 dito ay naibentang muli sa kumpanyang Trust Company Ltd., ng Nagoya, Japan at pagkatapos ay dadalhin naman ang natitirang mga unit sa Durban, South Africa at Al Moin Motors sa Dubai, United Arab Emirates. (Ulat ni Jeff Tombado)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest