Kawatan natodas sa kuryente
September 8, 2005 | 12:00am
IBA, Zambales Isang 25-anyos na lalaki na pinaniniwalaang notoryus na kawatan sa kanilang lugar ang iniulat na nasawi makaraang makuryente sa bahay na kanyang pagnanakawan sa Sitio Sagapan, Barangay Zone III, kamakalawa ng gabi. Halos matusta ang bangkay ni Mark de Leon ng Lipay-Dingin, Iba, Zambales matapos na makahawak sa talop na linya ng kuryente habang papasok ng bahay na pag-aari ng pamilya Morete.
Sa ulat na isinumite ni SPO4 Nestor Bajas kay P/Senior Inspector Remegio Magno, ang bangkay ng biktima ay tadtad ng tattoo sa katawan at posibleng kasapi ng grupong akyat-bahay na bumibiktima sa kabahayan sa nabanggit na bayan. Inaalam ng pulisya kung may record na kriminal si De Leon sa ibang himpilan ng pulisya sa Zambales. (Ulat ni Fred Lovino)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Recommended
November 25, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am