Hayskul stude binutasan ng adik
September 8, 2005 | 12:00am
CAMP SIMEON OLA, Legazpi City Pinaniniwalaang napagtripang saksakin hanggang sa mapatay ang isang 16-anyos na estudyante ng isang adik sa bawal na gamot habang ang biktima ay papalabas ng kanyang eskuwelahan sa Barangay Sagrada Familia sa bayan ng Minalabas, Camarines Sur, kamakalawa ng hapon.
Napuruhan sa sikmura ang biktimang si Roswell Efsiaca, 3rd year sa Sagrada Familia High School at residente ng nabanggit na barangay.
Samantala, tugis naman ng mga tauhan ng pulisya ang suspek na si Roy Torrecampo ng Sitio Tagum sa Barangay Baliuag Viejo.
Lumitaw sa imbestigasyon ng pulisya na papalabas ng gate ng nasabing eskuwelahan ng biktima nang salubungin ng suspek na may hawak na patalim.
Dahil sa bilis ng insidente ay hindi nagawang saklolohan ng mga kaklase ang biktima na naging dahilan para makatakas ang suspek.
Sa impormasyon ng pulisya, may mga nakakita sa suspek na umiinom ng alak sa isang tindahan malapit sa nasabing eskuwelahan at posible ring lango sa droga dahil mapula ang mga mata bago isagawa ang pamamaslang. (Ulat ni Ed Casulla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest