3 miyembro ng fake land syndicates huli
September 5, 2005 | 12:00am
Cainta , Rizal Nalaglag sa kamay ng batas ang tatlong katao na hinihinalang miyembro ng isang malaking sindikato na sangkot sa ilegal na pagbebenta ng lupa sa entrapment operation sa Brgy. Sto.Domingo sa bayan ito kamakalawa.
Kinilala ni Rizal Provincial Director Supt. Freddie Panen ang mga suspek na sina Reynaldo Soliman, 35; Elman Oralde, 26 at Alfredo Balajadia, 75 anyos.
Ang mga ito ay nadakip sa isinagawang entrapment operation ng mga kagawad ng Rizal Provincial Station dakong alas-12:30 ng tanghali sa Cainta Public Market na matatagpuan sa Brgy. Sto. Domingo matapos hingan ng P 2,000 ang biktimang si Jose Garcia, 45, kapalit ng titulo ng lupang kaniyang binili na lingid sa kaalaman nito ay peke.
Napag-alaman pa na ang suspek ay matagal ng isinasailalim sa masusing surveillance operation ng pulisya. (Edwin Balasa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest