Binata binistay sa harap ng mga kaibigan
September 4, 2005 | 12:00am
CAMP PANTALEON GARCIA, Cavite Pinagbabaril hanggang sa mapatay ng dalawang armadong kalalakihan ang isang 30-anyos na binata sa loob ng kanyang inuupahang boarding house sa Barangay Bucandala 3 Imus, sa nasabing lalawigan kahapon ng madaling-araw.
Kinilala ng pulisya ang biktimang si Rolito Darantinao, tubong Carigara, Leyte at residente ng No. 218 Brgy. Bucandala ng bayang nabanggit.
Hindi naman nakilala ang mga suspek na armado ng kalibre 38 revolver na mabilis na tumakas sakay ng isang motorsiklo.
Batay sa imbestigasyon ni PO1 Richard Corpuz, may hawak ng kaso, dakong alas-3:30 ng madaling-araw habang ang biktima ay nasa loob ng kanyang kuwarto kasama ang tatlo pang kaibigan nang may kumatok.
Binuksan naman ng mga ito ang ang pinto at pumasok ang mga suspek, habang nasa loob na ang mga ito ay bigla na lamang binunot ang isang kalibre 38 revolver at sunud-sunod na pinaputukan ang biktima.
Matapos na mapuruhan ang binata ay mabilis na tumakas ang mga suspek.
Isinugod sa Our Lady of Pilar Hospital ang biktima subalit hindi na ito umabot pang buhay. Patuloy naman ang ginagawang imbestigasyon ng pulisya hinggil sa pagkikilanlan ng mga suspek at ang motibo ng mga ito sa krimen. (Cristina Go-Timbang/Lolit Yamsuan)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest