18-anyos ni-rape ng tiyuhin
September 4, 2005 | 12:00am
CAMP PANTALEON GARCIA, Cavite Nagsampa ng kasong rape ang isang 18-anyos na factory worker makaraang gahasain umano ito ng kanyang tiyuhin habang nagpapahinga sa kanyang tinutuluyang bahay sa Barangay Tejeros Convention, Rosario, ng lalawigang ito.
Ang biktima ay itinago sa pangalang Rose, tubong Brgy. Luntal, Tuy, Batangas at residente ng Precys Apartment, CCAT Road ng nabanggit na lugar.
Nakilala naman ang suspek na si Kenneth Horario, nasa hustong gulang at nakatira sa Barangay Untal, Tuy, Batangas.
Batay sa imbestigasyon ni PO1 Jasmin Ilas, may hawak ng kaso, bandang alas-2:30 ng hapon noong Martes habang nagpapahinga ang biktima sa kanyang tinutuluyang bahay nang dumating ang suspek.
Sapilitan umano siyang ginahasa ng kanyang tiyuhin at hindi na niya nagawa pang makasigaw dahil sa tinakpan nito ang kanyang bibig at sa sobrang lakas nito ay hindi na siya makapanlaban.
Dahil sa wala dito ang kanyang pamilya ay nagsumbong na lamang siya sa kanyang kaibigan at ito ang tumulong sa kanya para magsuplong sa awtoridad at magsampa ng kaso.
Kasalukuyang sumasailalim sa pagsusuri ang biktima sa tanggapan ng NBI sa Manila. (Cristina Go-Timbang)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest