2 niratrat sa inuman ng alak

KAMPO SIMEON OLA , Legazpi City — Isang mister ang kumpirmadong nasawi, habang isa naman ang nasa kritikal na kondisyon matapos na pagbabarilin ng hindi kilalang lalaki ang mga biktimang nag-iinuman sa bahagi ng Barangay Guinlajon sa Sorsogon City, kamakalawa ng hapon. Kinilala ng pulisya ang nasawing biktima na si Jose Solomon Jr., samantalang ginagamot naman sa Sorsogon Doctors Hospital ang sugatang si Arturo Derilo na kapwa magkapitbahay sa nabanggit na barangay. Napag-alaman sa pulisya, magkaharap na nag-iinuman ng alak ang dalawa nang lapitan ng hindi kilalang lalaki bago nagpaputok ng baril na ikinasawi ng biktima. (Ed Casulla)

Show comments