^

Probinsiya

Namagitan sa away, dinedo

-
CAMP PANTALEON GARCIA, Cavite – Pinagtulungang saksakin hanggang sa mapatay ang isang mister ng mag-ama matapos na mamagitan ang biktima sa away ng kanyang kaibigan at huli sa Barangay Molino 2 sa bayan ng Bacoor, Cavite kamakalawa ng gabi. Napuruhan sa tagiliran ang biktimang si Juanito Abadejos na may alyas na Boy Negro ng Camia Street, Green Valley Subdivision ng nabanggit na barangay. Nadakip naman ang batang suspek na si Danilo Ortega Jr., samantalang, tugis ng pulisya ang ama nitong si Danilo Sr. Lumitaw sa pagsisiyasat ni PO2 Joel Malinao, bago maganap ang krimen ay namataan ng biktima na pinagtutulungang gulpihin ang kaibigan nito, kaya tinangkang awatin. Subalit pinagbalingan ng galit ang biktima dahil sa pakikialam kaya napaslang. (Cristina Timbang)

vuukle comment

BARANGAY MOLINO

BOY NEGRO

CAMIA STREET

CAVITE

CRISTINA TIMBANG

DANILO ORTEGA JR.

DANILO SR. LUMITAW

GREEN VALLEY SUBDIVISION

JOEL MALINAO

JUANITO ABADEJOS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with