6 JI nakakalat sa Davao
September 3, 2005 | 12:00am
CAMP AGUINALDO Pinaniniwalaang anim na teroristang Jemaah Islamiyah (JI) ang nakakalat ngayon sa Davao City makaraang mamonitor ng PNP ang presensiya ng nasabing grupo kaugnay ng misyong pasabugin ang nabanggit na lungsod.
Kasabay nito ay ibinulgar ng mga opisyal ang planong magsagawa ng pambobomba sa Davao City dahil sa nalalapit na naman ang ikatlong taong anibersaryo sa Setyembre 11 ng terrorist attack noong 2001 sa Estados Unidos na kumitil ng buhay ng libu-libong mga sibilyan.
Sa ulat ni P/Sr. Supt. Catalino Cuy, hepe ng PNP sa Davao City, mayroon na silang mga impormasyon, larawan na maaring mapagkilanlan sa mga lokal na JI bombers, pero di muna nila maaring tukuyin ang mga pangalan dahil may isinasagawang operasyon.
Sinabi ni Cuy na ang anim na dayuhan ay ipinadala ng JI sa bansa para isakatuparan ang misyong magsagawa ng serye ng pambobomba.
Samantala, ipinatupad naman ang mahigpit na pagbabantay sa mga pangunahing instalasyon ng lokal na pamahalaan, malls at iba pang matataong lugar sa Davao upang masupil ang posibleng paghahasik ng terorismo ng JI terrorist.
Kamakailan ay ibinulgar ni National Security Adviser Norberto Gonzales na ang buwan ng Setyembre ay "terrorism month" at posibleng humahanap lamang ng tiyempo ang mga terorista para umatake.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest