^

Probinsiya

Shootout: 4 todas

-
CAMP AGUINALDO – Apat katao ang iniulat na nasawi kabilang ang dalawang militiamen habang tatlo namang sundalo ang nasugatan nang mauwi sa shootout ang raid sa hideout ng isang MNLF kumander na sangkot sa pambobomba sa Datu Saudi Ampatuan, Maguindanao noong 2004, ayon sa ulat kahapon.

Base sa ulat, dalawa sa mga nasawi ay kinilalang mga tauhan ng MNLF Commander Mando Tambungalan, itinuturong isa sa mga responsable sa pambobomba sa nasabing bayan noong Disyembre 24 ng nakalipas na taon.

Sa panig ng mga militiamen na nagsilbing guide ng tropa ng pamahalaan ay nakilala namang sina Uga Maliga at Mods Satol.

Sa nasabing insidente ay nasawi ang anak ni Maguindanao Governor Datu Andal Ampatuan. Kinilala naman ang mga nasugatang sundalo na sina Pfc. Montero, Pcf. Salinas at Pfc. Boter.

Nabatid na bandang alas-5:30 ng umaga nang sumiklab ang shootout sa pagitan ng grupo ng wanted na MNLF kumander at ng tropa ng gobyerno sa raid sa hideout ng mga rebelde sa Brgy. Kitango, Datu Saudi Ampatuan ng nasabing lalawigan.

Mabilis namang nagpadala ng ‘reinforcement’ ang Army’s 64th Infantry Battalion (IB) at tumagal ang sagupaan nang hanggang ala-1:30 ng hapon nang mapilitan ang mga rebelde na magsiatras.

Naglunsad na ng hot pursuit operations ang mga operatiba ng militar laban sa nakatakas na grupo ni Tambongalan. (Joy Cantos)

APAT

BOTER

COMMANDER MANDO TAMBUNGALAN

DATU SAUDI AMPATUAN

INFANTRY BATTALION

JOY CANTOS

MAGUINDANAO GOVERNOR DATU ANDAL AMPATUAN

MODS SATOL

UGA MALIGA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with