^

Probinsiya

Granada: 2 patay, 9 sugatan

- Ni Christian Ryan Sta. Ana -
SAN JOSE CITY, Nueva Ecija Dalawang sibilyan ang kumpirmadong nasawi, samantalang siyam naman ang nasugatan makaraang sumabog ang granada na inihagis ng mga hindi kilalang kalalakihan sa isang bahay sa Habitat Community Village, Barangay Sto. Niño 3rd, ng lungsod na ito noong Miyerkules ng gabi.

Kinilala ni P/Supt. Antonio Adawag, hepe ng pulisya, ang dalawang nasawi na sina: Rodolfo Pante at Jomar Tudla, habang ginagamot ang siyam na nasugatan na sina Rodrigo Abellera, 42; Ronald Sembrano, 21; Santiago Ayes, 60; Rowena Soliven, 21; Reynaldo Pablo, 41; Allan Soliven, Goby Miñoza, 22; Violeta Soliven, at ang 5-anyos na paslit na si Daniela Soliven.

Sa imbestigasyon ni SPO1 Mario Pastor, dakong alas-7:30 ng gabi noong Miyerkules nang nakarinig ng sunud-sunod na putok ng baril ang mga biktima at pagdaka’y pinasok ng mga suspek ang bahay ng pamilya Soliven.

Agad na naghagis ng granada ang isa sa mga suspek na ikinasawi ng dalawa at pagkasugat ng siyam na katao dulot ng mga tumamang sharpnel.

Napag-alamang puntirya ng mga suspek ang bahay ni Bonifacio Balones na pinaniniwalaang nasangkot ang anak nitong lalaki sa panggugulpi ng tatlong kalalakihan noong Agosto 26 at nagkataon namang malapit lamang sa pinagdarausan ng pulong ng mga biktima

Ayon pa sa imbestigasyon, ang nasabing grenade throwing incident ay isang kaso ng mistaken identity, dahil ang nakikitang motibo ng pulisya ay personal grudge.

"Posibleng nagkamali ang pinagtanungan ng mga suspek na nagresulta sa pagkamatay at pagkasugat ng mga inosenteng sibilyan," dagdag pa ni SPO1 Pastor.

ALLAN SOLIVEN

ANTONIO ADAWAG

BARANGAY STO

BONIFACIO BALONES

DANIELA SOLIVEN

GOBY MI

HABITAT COMMUNITY VILLAGE

JOMAR TUDLA

MARIO PASTOR

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with