^

Probinsiya

Ambush: 4-katao todas

- Nina Victor Martin at Joy Cantos -
SAN GUILLERMO, Isabela – Dalawang barangay chairman ang iniulat na nasawi kabilang na ang dalawang iba pa matapos na pagbabarilin ng mga hindi kilalang kalalakihan ang sasakyan ng mga biktima noong Linggo ng hapon sa bahagi ng Barangay Colarado sa bayan ng San Guillermo sa lalawigang ito.

Kinilala ni P/Senior Supt. Percival Barba, police provincial director ng Isabela, ang mga biktima na sina Barangay Chairman Felinom Cacayan ng Barangay Calaogan, San Guillermo; Barangay Chairman Pascual Gumaru ng Barangay Marcelo sa bayan ng Angadanan, Isabela; anak nitong si Mary Jane Gumaru,19 at apo na si Novy Gumaru, 12, na pawang residente ng nasabing barangay.

Sa pahayag ni Juli Gumaru, anak ni Barangay Captain Gumaru na nakaligtas sa nasabing ambush, kitang-kita niya nang pagbabarilin ng mga hindi pa nakikilalang kalalakihan ang sasakyan ng mga biktimang nasawi dahil sa nakasunod lamang ito sakay sa kanyang motorsiklo.

"May 50-metro lang ang layo ko sa Mitsubishi Delican van (XKF-203) ng tatay ko dahil sa nakamotorsiklo at nakasunod lamang ako nang biglang paulanan ng dalawang lalaki mula sa plantasyon ng mais ang mga ito," pahayag ni Juli.

Napag-alamang bandang alauna ng hapon noong Linggo nang tambangan ang mga biktima habang patungo sa Santiago City upang ihatid sana ni Barangay Chairman Gumaru ang kanyang anak na si Maryjane sa boarding house na sakop ng pinapasukang paaralan.

Nabatid pa sa ulat na nakisakay lamang si Barangay Captain Cacayan patungo rin sa nasabing lungsod kung kaya’t nadamay na rin sa nasabing ambush.

Anggulong pagnanakaw ang isa sa mga motibo na pinag-aaralan ng pulisya matapos na madiskubreng nawawala ang clutch bag ni Barangay Chairman Gumaru, subalit sinisilip din ang iba pang anggulo ng nasabing ambush.

vuukle comment

BARANGAY

BARANGAY CALAOGAN

BARANGAY CAPTAIN CACAYAN

BARANGAY CAPTAIN GUMARU

BARANGAY CHAIRMAN FELINOM CACAYAN

BARANGAY CHAIRMAN GUMARU

BARANGAY CHAIRMAN PASCUAL GUMARU

ISABELA

SAN GUILLERMO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with