^

Probinsiya

TRO ni Gov. Maliksi pinababasura ni Remulla

-
CAVITE Humirit si Cavite Vice Governor Juan Victor Remulla sa Court of Appeals na bawiin ang ipinagkaloob na temporary restraining order (TRO) kay Cavite Governor Ayong Maliksi na humaharang sa suspension nito sa pagiging gobernador. Batay sa 7-pahinang opposition, sinabi ni Remulla na hindi dapat pagkalooban ng TRO si Maliksi dahil nilabag ng gobernador ang batas laban sa forum shopping.

Sinabi ni Remulla na hindi pa naman nareresolba ang inihaing apela ni Maliksi sa Ombudsman noong Agosto 17, 2005 para makansela ang suspension order na anim na buwan na iniutos ni Deputy Ombudsman for Luzon Victor Fernandez.

Patuloy pa rin naman umanong dinidinig ang apela ni Maliksi ng Tanodbayan at binigyan pa ito ng pagkakataong makapaghain ng paliwanag sa kinasasangkutang isyu sa loob ng limang araw noong Agosto 22.

Kung hindi man aniya ituturing na forum shopping ang ginawa ni Maliksi, moot and academic na ang petisyon dahil ang Department of Interior and Local Government (DILG) ang nagbaba ng suspension. Hindi rin aniya marapat na pagkalooban ng injunction si Maliksi dahil walang batayan para pakinggan ang inihain nitong writ of injuction. (Grace dela Cruz)

AGOSTO

BATAY

CAVITE GOVERNOR AYONG MALIKSI

CAVITE VICE GOVERNOR JUAN VICTOR REMULLA

COURT OF APPEALS

DEPUTY OMBUDSMAN

LUZON VICTOR FERNANDEZ

MALIKSI

REMULLA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with