P.4M payroll money ng munisipyo hinoldap
August 28, 2005 | 12:00am
CAM MIGUEL MALVAR, Batangas Umaabot sa humigit-kumulang sa kalahating milyong payroll money ang natangay ng apat na armadong kalalakihan makaraang harangin ang mga empleyado ng pamahalaang pambayan ng Tuy, ng lalawigang ito matapos na magwithdraw sa isang bangko kamakalawa ng hapon.
Sa ulat na nakarating sa Camp General Miguel Malvar sa Batangas City, bandang alas-3:15 ng hapon nang maganap ang panghoholdap habang sakay sa isang Toyota Hi-Lux pick up (SDX-752) ang mga biktima na sina Leonilla Malina, 56, municipal treasurer; Wilfredo Rosales Jr., 33, driver; Zenaida Gonzales, 44, disbursing officer at May Castillo, 23, casual employee at harangin ng mga suspek bandang alas-3:15 ng hapon sa kahabaan ng National Highway ng Brgy. Luntal.
Ang mga suspek ay lulan ng isang puting kotse na walang plaka kung saan agad na tinutukan ang mga biktima.
Nabatid na isa sa dalawang suspek na naka-bonnet at armado ng kalibre 45 baril ang bumaba sa kanilang sasakyan at sumakay sa pick-up ng mga biktima.
Inutusan umano ang driver na patakbuhin ang sasakyan hanggang sa makarating sila sa may taniman ng tubo kung saan nag-aantabay ang dalawa pang kasamahan ng mga suspek lulan ng isang motorsiklo.
Nakuha sa mga biktima ang payroll money na nagkakahalaga ng P434,903; P37,000 na personal na pera ng mga biktima, P8,000 market collection fees, Nokia cellphones at mga mahahalagang dokumento. (Arnell Ozaeta)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
By Tony Sandoval | 9 hours ago
By Cristina Timbang | 9 hours ago
By Tony Sandoval | 9 hours ago
Recommended