4 paslit tupok sa sunog
August 25, 2005 | 12:00am
CAVITE Malagim na kamatayan ang sinapit ng apat na mag-utol na magkakatabing natusta habang nasusunog ang kanilang bahay sa bahagi ng Barangay Amaya 7 sa bayan ng Tanza, Cavite, kamakalawa.
Halos magkakadikit na ang balat ng katawang nasunog ang mga biktimang may apelyidong Casul Perez ay nakilalang sina John Bryan, 10; Joebert, 9; Jerome, 6; at Jerico na pawang supling ni Angelita Casul Perez na namamasukan sa Primepack, Inc.
Lumitaw sa imbestigasyon ni SFO1 Alexander Dionesa, naitala ang sunog bandan alas-diyes ng gabi habang natutulog ang apat na paslit sa kanilang bahay.
May palatandaang nagmula ang apoy sa gaserang naiwang may apoy sa kuwarto ng mga biktima at posibleng natabig ng isa sa mga biktima kaya biglang sumiklab at kumalat ang apoy sa kahoy na bahay ng pamilya Perez.
Napag-alamang naiwan ang mga biktima sa kanilang bahay habang ang ina ng mga bata ay nasa kompanyang pinapasukan.
Nabatid na wala rin ang ama ng mga bata na pinaniniwalaang nakikipag-inuman ng alak sa mga kaibigan malapit sa kanilang bahay.
Halos mawala sa katinuan ang ina ng mga biktima matapos na makarating ang balita sa kanya na kinalawit ni kamatayan ang mga anak.
Tumagal ng ilang oras bago pa maapula ng mga pamatay-sunog ang naglalagablab na bahay ng pamilya Casul Perez.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
By Tony Sandoval | 16 hours ago
By Cristina Timbang | 16 hours ago
By Tony Sandoval | 16 hours ago
Recommended